PANSAMANTALANG ipinagbawal ng pamahalaan ng Filipinas ang pagpasok sa bansa ng domestic at wild birds at kanilang mga produkto mula sa Poland dahil sa outbreak ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) H5N8 sa European country.
Sa Memorandum Order 78, Series of 2020, na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar noong December 21, ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng domestic at wild birds at kanilang mga produkto tulad ng poultry meat, day old chicks, eggs, at semen.
Tinukoy sa memo ng DA ang report ng Poland’s Ministry of Agriculture and Rural Development’s sa World Organization for Animal Health noong December 3 na nagkaroon ng outbreak ng H5N8 na nagsimula noong December 1 sa Nakory, Suchozebry, Sidlecki (1426), Mazowieckie na nakaapekto sa mga ibon at kinumpirma ng National Veterinary Research Institute nito.
“There is a need to prevent the entry of HPAI virus to protect the health of the local poultry population,” nakasaad sa memorandum order na ahensiya.
Nakasaad din sa memo ang agad na pagsuspinde sa pagproseso at ebalwasyon ng application at issuance ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance sa naturang mga commodities, at ang pagpapatigil at pagkumpiska sa lahat ng shipments ng mga ito (maliban sa heat-treated productions) papasok sa bansa ng lahat ng DA Veterinary Quarantine Officers.
“All shipments will be subject to veterinary quarantine rules and regulations,” nakasaad pa sa memo.
Comments are closed.