‘POWER’ BILL LUSOT NA SA SENADO

Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri

WALA ni isang  senador ang kumontra sa panukala na mabigyan ng kapangyarihan ang bansa na padaliin ang pagbibigay ng national and local permits,  certifications at  mga lisensiya sa  tuwing may national emergency.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ang may-akda at sponsor ng Senate Bill No. 1844, ang botohan ay 23-0-0.

Paliwanag ni Zubiri, isinulong niya ang panukala alinsunod sa probisyon sa Bayanihan to Recover as One Act o Baya-nihan 2, na nagpalawig sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pandemya.

Naging co-authors  ng panukala sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Rec-to, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Ang botohan ay isinagawa nang matanggap ng Senado ang sertipikasyon na ‘urgent’ ang panukala mula sa Malakanyang.

Comments are closed.