LAGUNA – NASAWI matapos manlaban sa Biñan City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ang itinuturong drug pusher sa Brgy. San Francisco.
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng pulisya kay Laguna-PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang napatay na si Heber Jeddy Surio, alyas “Jed” napabibilang sa drug watchlist, residente ng nasabing lugar.
Dead on arrival sa pagamutan ang suspek bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Alas-12:15 ng madaling araw nang magkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ni Mendoza sa lugar habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer gamit ang halagang P1,000 nang mauwi ang drug transaction sa engkuwentro.
Narekober sa suspek ang kalibre 45 baril, magazine at mga bala, pitong piraso ng small heatsealed transparent plastic sachet ng shabu at iba’t ibang identification card (ID). DICK GARAY
Comments are closed.