POWER SUPPLY BUBUTI NA

Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga

INAASAHANG bubuti na ang power situation sa Luzon grid sa mga susunod na araw.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, may ikinakasa nang mga hakbang ang Department of Energy (DOE) para masolusyonan ang pagnipis ng reserba sa kor­yente.

Aniya, wala ring inaasahang ipatutupad na rotational brownout ngayong araw dahil sa mababang demand ng koryente tuwing weekend.

Magugunitang nakaranas ng tatlong oras na power interruptions sa ilang bahagi ng Luzon kamakalawa.

“For the weekend, mukhang mas mababa naman ‘yung demand usually so mukhang hindi natin kailangang i-implement. But on Monday, we will see the situation early on kung ano ang magiging actual capacity at projector demand,” ani Zaldarriaga.

Samantala, makaraang alisin ng National Grid Corporation (NGCP) ang yellow alert status sa Luzon grid kamakalawa ng gabi ay muli itong itinaas kahapon.

Ang yellow alert ay mula alas-9 ng ­umaga hanggang alas-5 ng hapon, at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Ayon sa NGCP, ang available capacity ay 10,326 MW, subalit ang peak demand ay nasa 9,933 MW na.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang abiso ang DOE sa dahilan ng muling paglalagay sa yellow alert ng Lu-zon grid.   DWIZ 882

Comments are closed.