PIPILITIN ng Department of Energy na maibalik sa Linggo, Nobyembre 15 ang power supply sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na hinagupit ng bagyong “Ulysses,”.
Sa ginanap na televised briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay nagtutulungan upang agarang maibalik ang power supply sa mga lugar na sinalanta ni Ulysses.
“NGCP (National Grid Corporation of the Philippines) is currently assessing and restoring the transmission service through aerial and foot patrol,” sabi ni Cusi.
“Here in Metro Manila, these Meralco (Manila Electric Company)-franchised areas, including Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna – our target date for all of these to restore power (supply) is November 15. So, that’s what we have been doing now,” dagdag pa ni Cusi.
Base sa datos noong Biyernes ng alas-6 ng umaga ay tinatayang nasa 501,272 na Meralco customers ang wala pa ring power supply mula sa inisyal na 1.9 milyong customers na nawalan ng power supply.
Ayon kay Cusi, ang iba pang Meralco customers ay nakaranas ng power outages bilang bahagi ng preventive measure habang papalapit sa bansa si Ulysses.
Pinaliwanag ni Cusi na ang mga lugar na lubog pa rin sa baha hanggang sa kasalukuyan ay posibleng maantala pa ang pagbabalik ng power supply sapagkat kailangang ikonsidera ang kaligtasan ng mga mamamayan kabilang na rin ang mga linemen na naatasang magkumpuni para maibalik ang kanilang power supply.
Aabot sa 14 generating facilities na may 4,558 megawatts sa Luzon grid ang sumailalim sa preventive shutdown na lubhang apektado ng nabanggit na bagyo.
Sa kabuuang generation capacity, 2,953 MW ang naibalik na habang 1,577 MW ang nananatiling shutdown hanggang kahapon ng alas 8:30 ng umaga. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.