MAGIGING sapat ang power supply sa 2019 dahil magkakaroon ng dagdag na capacity ng tinatayang 2,375 megawatts (MW) na manggagaling sa bagong power projects sa buong bansa.
“The DOE (Department of Energy) is confident in our projections for 2019 that we will be able to meet the demand considering the incoming capacities in Luzon, Visayas and of course Mindanao,” pahayag ni DOE assistant secretary Redentor Delola.
Para sa Luzon, sinabi niya na ang peak power demand ay inaasahang aabot sa 11,200 megawatts (MW) mula sa 10,800MW na nairekord noong Mayo ng nagdaang taon.
Sinabi ni Delola na ang Luzon ay makakaranas ng tight supply dahil ang 650MW Malaya thermal plant sa Rizal province ay wala nang designasyon bilang must-run unit.
Pero sa dagdag na kapasidad na manggagaling sa GN Power Dinginin coal plant, na sinasabi ni Delola na nasa 300MW, at ang 335MW Masinloc plant, magkakaroon ng sapat na supply para mapagbigyan ang inaasahang paglago. Sinabi ni Delola na ang 2019 forecasted peak demand sa Luzon ay kinokonsiderang “normal growth”.
“If we will have problems next year there won’t be a red alert, only yellow alert,” pahayag ng DOE official.
Ang yellow alert notice ay nangangahulugang ang operating reserves ay bumaba sa kinakailangang 647MW contingency sa Luzon o katumbas na 647-MW coal-fired power plant sa Sual, Pangasinan.
Ang red alert notice ay iniisyu ng grid operator kapag ang power reserve na natitira sa grid ay regulating reserve o katumbas ng four percent ng current demand. Posibleng magkaroon ng power interruption.
Sa Visayas, sinabi ni Delola na ang peak demand ay inaasahang maghi-hit sa 2,300MW sa susunod na taon mula sa 2,100MW ngayong taon.
Sinabi niya na inaasahan ng departamento na ang Therma Visayas, Inc.’s 340-MW power plant sa Toledo, Cebu ay magiging operational ngayong taon.
“TVI will come in this year, plus HVDCC (High Voltage DC Coupled Charging),” sabi niya.
Sa Mindanao, sinabi ni Delola na ang peak demand ay makaka-hit ng 2,200MW. Inaasahan ng ahensiya ang 1,400MW of excess power.
Ang Luzon ang pinakamalaking Luzon power user na may peak demand na mahigit sa limang beses ng Visayas at Mindanao.
“Out of the three major grids, the biggest growth is happening in Midanano. But they have a smaller base so in terms of capacity mas malaki pa din increase in Luzon and in Visayas. It’s really influx of economic development and we’re looking at the possible effects of electrification program because if we will be able to serve more areas then consumption will increase as well,” sabi ni Delola.
Noong nakaraang Linggo, nagkaroon ng partial blackout sa Mindanao sa isolated Lanao del Norte, Lanao del Sur at sa Zamboanga Peninsula at apektado ang lugar ng Butuan City, Cagayan de Oro, General Santos at Davao City.
Kinukumpirma pa ng DOE ang sanhi ng partial blackout sa Mindanao region.
Ini-report ng NGCP na ang tripping ay sanhi ng “intentional toppling” vegetation sa mga linya na nasa gitna ng Baloi-Agus 2 138kV transmission line na nagdulot sa NGCP na tumawag ng red alert status sa Mindanao Grid.
Comments are closed.