GAANO kaya katotoo na mapupunta itong si Poy Eram sa Barangay Ginebra. Ang tanong ay sino naman kaya ang magiging kapalitan nito sa Gin Kings gayong kung titingnan ang line up ng team ay kumpleto na sila at parang hindi na nila kailangan ang player ng TNT Tropang Giga.
Nasa Ginebra na si Christian Standhardinger. Mayroon pa silang Japeth Aguilar, Joe Devance Arvin Tolentino, at Prince Caperal. Sa shooter naman ay nariyan sina Stanley Pringle, Scottie Thompson at L.A Tenorio, Idagdag pa natin si Aljun Mariano.
Ang malakas na ugong-ugong ay sakaling matuloy si Eram sa Ginebra, ang magiging kapalit nito ay sina Caperal at Tolentino. Mukha yatang malabo ito, at parang may lugi ang kampo ni coach Tim Cone sa palitan.
Saka masyado nang maraming star player ang Ginebra. Hindi kaya mahirapan si coach Tim Cone sa paggamit sa kanyang mga player? Abangan natin kung may katotohanan ang rumor na ito.
Marunong din palang bumaba sa pedestal itong si Ray Parks Jr. Humingi na umano ng sorry itong si Parks sa management ng TNT. Buti na lang ay professional sina team manager Gabby Cui, Chairman Vicky Vargas at siyempre, si Manny V. Pangilinan na binigyan ng chance ang player.
Kung nagmatigas ang dating player ng National University ay walang mangyayari sa kanyang basketball career at posibleng maban pa siya sa PBA ng limang taon.
Minsan kasi ay hindi puwedeng pairalin ang pride, nagiging fried chicken ito. May nagsulsol kasi kay Parks na inalukan ito ng mas malaking kontrata sa ibang liga. Ang problema ay nakalimutan niya na may rights pa rin ang kanyang mother team kahit pa tapos na ang kanyang kontrata. Kung nais siyang alukan ng dating team ay puwede. Ibig sabihin, interesado pa rin sa kanya.
Ano kaya ang masasabi ni coach Chot Reyes sa pagbabalik ng prodigal son ng Tropang Giga? Sabagay, si coach Reyes ay madaling makaunawa sa mga player na nagtatampo. Wala sa kanya ito. Kung ano ang sabihin ng management sa kanya ay susunod lang naman siya.
Congrats sa Davao team na nag-champion sa Maharlika Pilipinas Basketball League kung saan nakalaban nila ang defending champion San Juan Knights. Si John Wilson ng Knights ang nahirang na MVP. Ang MPBL championship game ay ginawa sa isang bubble setup sa Subic gym.
By June 2021 magsisimula ang season 4 kung hindi ako nagkakamali.
938573 669341Hello there, just became alert to your weblog by means of Google, and located that it is really informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful in the event you continue this in future. Many people will probably be benefited from your writing. Cheers! 454800