PPA NAGLALATAG NA NG SECURITY PREPARATION PARA SA UNDAS 2023

SINIMULAN nang maglatag ngayon ng kanilang security preparation ang Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa paggunita ng Todos Los Santos o All Saints’ Day.

Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, binuksan na nila ang ibat ibang pantalan sa bansa, kasama na ang pagpapalawak sa mga ito, para ma-accomodate ang lahat ng mga magdadagsaang pasahero bago pa sumapit ang Undas.

Inihayag ni Samonte na puspusan ang ginawang paghahanda ng PPA para sa UNDAS 2023 bukod pa sa pagpapaigting sa kanilang mga seguridad upang makatulong sa ibang ahensiya ng gobyerno na huwag malusutan ng mga lawless and criminal elements.

Kabilang sa sinasabing tutukan nabg husto ng PPA ay ang top 5 na pantalan sa buong bansa na kadalasang dinadagsa ng mga pasahero na kinabibilangan ng Port of Calapan sa Mindoro na kayang mag-accomodate ng hanggang 12,000 passengers, Port of Batangas, Iloilo, Panay, at Guimaras.

Inaasahang libo libong pasahero ang dadagsa lalo na sa kasagsagan ng uwian ilang araw bago ang Araw ng mga Patay. VERLIN RUIZ