PPCRV AT LENTE KAPALIT NG NAMFREL

Commissioner Rowena Guanzon-2

TINUKOY ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang dalawang poll watchdog na makakapalit ng National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) bilang citizen’s arm nila at mangunguna sa idaraos na random manual audit (RMA) para sa midterm elections sa Lunes, Mayo 13.

Ayon kay Guanzon, ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Legal Network for Truthful Elections (Lente), ang napili nilang hahalili sa Namfrel.

Nauna rito, tinanong si Guanzon ng isang netizen sa kanyang Twitter account kung sino ang makakahalili ng Namfrel.

“PPCRV. Lente will be member of Random Manual audit instead of Namfrel,” tugon naman ni Guanzon.

Matatandaang ti­nang­gihan ng Namfrel ang akreditasyong ibinigay sa kanila ng poll body bilang citizen’s arm sa midterm elec-tions.

Tiniyak naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na madali silang makakahanap ng citizen’s arm na papalit sa Namfrel.

Aniya pa, matutuloy rin ang RMA dahil isa lamang aniya ang poll watchdog sa 10 grupo na bumubuo ng koa­lisyon para sa RMA.

Ang pagtanggi ng Namfrel sa akreditasyon ay kasunod nang umano’y pagtanggi ng poll watchdog na bigyan sila ng access sa impormasyon at data sa halalan.    ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.