PPCRV BANTAY ULIT SA MAY POLLS

PPCRV-2

BINIGYAN na ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang isang church-based poll watchdog upang maging citizens’ arm nito sa nalalapit na May 13 National and Local Elections.

Ipinaliwanag ng Comelec na napatunayan na nilang maaasahan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga poll watching activity noong mga nakalipas na halalan kaya’t nagpasyang aprubahang muli ang kahilingan nitong makapag-silbi ulit sa nalalapit na botohan.

Ayon sa Comelec, isa rin ang track record ng PPCRV sa ikinonsidera nila sa pagbibigay muli ng akreditasyon dito.

Nabatid na bilang accredited poll watchdog, kabilang sa magiging tungkulin ng PPCRV na magdaos ng mga voters’ education program sa buong bansa, at umasiste sa mga botante sa halalan.

Dapat ring magbantay ang mga volunteer nito at i-report sa Comelec ang makikitang mga campaign violations.

“The Commission would accordingly need all the help of all advocates of orderly and honest elections to assist it in the upcoming elections,” anang poll body. ANA ROSARIO HERNANDEZ