MAGIGING katuwang ng Commission on Elections (Comelec) ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang isang citizens arm.
Inihayag ng PPCRV na ang gawain ng mga youth volunteer ay magiging non-partisan dahil tinitiyak nila na “ang demokratikong proseso ay nananatiling masigla at makabuluhan“ para sa mga susunod na henerasyon.”
“We especially call upon the youth, not just as the future of our democracy but as an essential part of its present. You, young people, have a critical role to play, not only for tomorrow but today,” ayon sa pahayag ng PPCRV.
Nasa 159 coordinators ang dumalo sa kanilang general assembly sa Manila na parte ng preparasyon ng grupo para sa Mayo 12, 2025 habang ipinangako ng mga ito ang isang ‘Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful’ (CH.A.M.P.) elections.
Samantala, binigyang-diin ng National Spiritual Adviser ng PPCRV na si Archbishop Rex Alarcon ang kahalagahan ng paglilingkod at pagmamahal sa bansa.
RUBEN FUENTES