ISINAGAWA kamakailan (Hulyo 20) ang Rizal PPO Youth Summit 2024 sa pangunguna ni PCol. Felipe B. Maraggun, Provincial Director sa Ynares Event Center sa kapitolyo.
Mahigit 1000 sangguniang kabataan at youth leaders ang dumalo sa event.
Layon niting palakasin ang pagtutulungan ng mga kabataang lider ng lalawigan ng Rizal at hikayatin silang labanan ang ilegal na droga at terorismo.
Kasama mga dumalo sa nasabing aktbidad ang kinatawan ni Governor Nina Ricci A. Ynares, na si Mia A. Ynares, Retired Police General Rodolfo S. Azurin at PCol. Cristopher M. Abecia, PRO4A Deputy Regional Director for Administration na nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa lahat ng lumahok.
Nakatanggap ng cash incentives at parangal sa mga nanalo para sa mga sumusunod na patimpalak:
Spoken Word Poetry
3rd Placer- Harry Dometita
2nd Placer- Sarah Lei Lagarto
1st Placer- Purity Reimel Develos
Song Writing Competition
3rd Placer- Cielo Jade Manlongat and Cristan Espinar
2nd Placer- Maurine Macinas
1st Placer- Vincent Severo
Mural Painting Competition
3rd Placer- SK and KKDAT Visual Artist of Binangonan
2nd Placer-SK and KKDAT Visual Artist of Pililla
1st Placer- SK and KKDAT Visual Artist of Angono
RUBEN FUENTES