INAASAHAN na malapit ng makamit ng pamahalaang Lungsod ng Paranaque ang “COVID-19 FREE” makaraang makapagtala nitong Linggo ng pinakamababang bilang na 72 aktibong kaso COVID-19 na patuloy pang bumababa.
Kaya’t nananawagan si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa mga residente panatilihin ang health protocols na ipinatutupad.
Ayon kay Olivarez, sa ulat na ipinasa sa kanya ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) mayroon ng kabuuang 6,837 pasyente ang nakarecover na sa virus o katumbas ng 96.4% porsiyento.
Kasama din na isinumite ng CESU na pinamumunuan ni Dr. Darius Sebastian ang ulat na dalawa na lamang sa 16 na barangay ang nakapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19 na kinabibilangan ng Barangay Tambo na may 12 kaso habang sinundan naman ito ng Barangay San Antonio na may 10 aktibong kaso ng virus. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.