PRA vs illegal reclamation

Maliwanag ang mandato ng Philippine Reclamation Authority. “To regulate reclamation, create environmentally sustainable reclaimed land, promote coastal resilience, and develop government properties to advance the country’s development goals.

Ayon Kay PRA Chairman Alex Lopez, puspusan ang paglaban ng PRA sa mga “unauthorized reclamation.”

“Reclamation projects shall only be undertaken as a rule, upon procurement of a permit from PRA or the President of the Philippines”.

Pag walang permit, the reclaimed land will be forfeited without need of judicial action.

Kamakailan, napabalita ang umano’y iligal na relamation activities ng bansang Tsina. Isa ang Escoda Shoal na napigilan ng Philippine Coast Guard. Ang mga iligal na reclamation na ginagawa ng mga dayuhan ay mapanganib sa seguridad ng Pilipinas. Dahil ang mga iligal na reclamation ay gumagawa ng mga “artificial land” na maaring gamitin to “deploy foreign vessels”.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ayaw nila na ma escalate ang problema into a “military issue” kaya hangga’t maaari ay pag-uusapan ito ng mapayapa. At dahil ang issue ng mga “artificial lands” ay illegal reclamation, may say dito ang PRA.

Mula ng maging PRA Chairman si Atty. Alex Lopez, marami na siyang naisyung cease and desist orders ang sa mga illegal reclamation activities sa buong bansa. Marahil, may legal at payapang paraan din siya sa usapin ng mga illegal reclamation activities ng mga dayuhan. AA INTON