SA pagdinig ng Senado nitong Miyerkoles, idiniin ng Mislatel na binansagang ikatlong telco (telecommunication) sa bansa na dumaan ito sa estriktong post-qualification screening ng National Telecommunications Commission’s (NTC) at bago ang pagdinig ng Kongreso ay ki-numpirma ng Kamara ng mga Representante sa NTC na may bisa pa rin ang prangkisa nito.
Sinabi ng Kamara na balido at umiiral pa rin ang Republic Act No. 8627 o “An Act Granting the Mindanao Islamic Telephone Company Inc., a Franchise to Construct, Establish, Install, Maintain and Operate Wire and/or Wireless Telecommunications Systems in the Philippines.”
Kinumpirma noong Nobyembre 13, 2018 ni Committee on Legislative Franchises chairperson Franz “Chicoy” E. Alvarez na balido at may bisa pa rin ang prangkisa ng Mislatel at walang kanselasyong natanggap ang Kamara mula sa korte o anumang quasi-judicial body na bumabalewala sa prang-kisa nito.
“Mislatel’s franchise remains valid and subsisting,” ayon sa liham ni Alvarez na kumontra sa paratang ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang prangkisa ay “ipso facto revoked” o wala nang bisa.
Ayon pa sa tagapagsalita ng Mislatel na si Atty. Adel Tamano, matagal nang tapos ang isyu sa Supreme Court noong 1990 sa kaso ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) vs. NTC (G.R. No. 88404) kung saan ang karapatan sa paggamit ng prangkisa o ang karapatan sa prebilehiyong ito ay mababalewala sa hindi paggamit pero paksa sa “prerogative writ of quo warranto.”
Kinilingan ng Office of the Solicitor General ang pahayag ni Tamano na mawawalang bisa lamang ang prangkisa ng Mislatel sa quo warranto pro-ceeding.
Bago ang Senate hearing, tiniyak ng negosyanteng si Dennis Uy sa lupon na ang mga kompanyang Udenna Corporation at Chelsea Logistics Hold-ings Corporation ay nakipagtambalan sa state-owned China Telecommunications Corporation para buuin ang Mislatel consortium ay walang iniwasang anumang alituntunin
“Kami po ay dumaan sa butas ng karayom hanggang mapili po kami ng National Telecommunications Commission bilang New Major Player sa tel-ecommunications sector,” sabi ni Uy.
Iginiit naman ni Drilon na ang hindi pagpapabatid ng Mislatel sa pagbabago ng pagmamay-ari nito ay batayan upang mabalewala ang prangkisa nito na sinagot ni Department of Information Communications and Technology officer-in-charge Eliseo Rio na sa pagbili ng PLDT sa Digital Telecoms, pagbili ng Globe Telecom sa Bayantel at ang bilihan ng Smart at Globe ay hindi pinakialaman ng Kongreso.
Matapos ang pagdinig, sinabi ni Sen. Grace Poe na magpapasya ang Senado sa kapalaran ng Mislatel sa plenaryo.
Comments are closed.