AGAD ipinag-utos ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpapasara sa Muslim prayer room sa Greenhills.
Ito ang kanyang direktiba matapos kumpirmahin ng Department of Health ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inatasan ni Zamora ang City Health Department na magsagawa ng mga disinfection sa nasabing lugar.
Ipinapahanap na rin ng alkalde ang mga taong nakahalubilo ng pasyente ng ito ay magtungo sa nasabing prayer room noong huling linggo ng buwan ng Pebrero.
Hinikayat naman ni Zamora ang publiko na maging kalmado sa kabila ng panibagong kaso ng COVID 19 kasunod ng apela na gawing regular ang paghuhugas ng kamay, paggamit ng hand sanitizer at tamang paraan ng pag-ubo.
Nakiusap din ang alkalde sa mga taong nakakaranas ng mga pag-ubo at lagnat na magtungo sa San Juan Medical Center upang maisailalim sa pagsusuri ng mga doktor. ELMA MORALES
Comments are closed.