Natapos na ang paghihirap ng dating sikat na folk-song singer na si Coritha o Maria del Perpetua Socorro Arenas nitong Biyernes, September 27, kaya nakikiramay ang showbiz fleet ng PILIPINO Mirror.
Sumikat si Coritha noong dekada 70 at 80 sa mga awit na “Oras Na,” “Sierra Madre,” at “Lolo Jose.”
Na-stroke sita noong February 2024, naparalisa at hindi makapagsalita. Noong 2018, nasunog ang bahay ni Coritha sa Quezon City na naging sanhing kanyang depresyon.
RLVN