PRAYERS HILING NG PAMBATO NG PINAS SA MISS U

catriona gray

SABIK na ang marami na malaman ngayong araw  kung sino ang tatanghaling bagong Miss Universe.

Idaraos ang 67th edition ng Miss Universe sa Impact, Muang Thong Thani complex sa Bangkok, Thailand at  hanggang kahapon ay humihingi ng panalangin  ang pambato ng Filipinas na si Catriona Gray.

Sa kanyang latest online post, countdown na ang 24-year-old Fil-Australian beauty para sa coronation. “Next time the sun rises, the Universe will be upon us. Less than 24 hours to go to @missuniverse! Keep sending me prayers mga kababayan!” ani Gray sa kanyang post araw ng Linggo.

Magkakahalong emosyon umano ang naramdaman ni Catriona sa pagsabak sa preliminary competition noong nakaraang linggo bagama’t pawang papuri at paghanga ang inani nito.

Si  Gray ay naging usap-usapan sa  kanyang “LuzViMinda” national costume kung saan may malaking parol sa likod nito habang rumarampa, gayundin ang kanyang “lava walk” partikular sa swimsuit competition.

Tatangkain ni Gray na maibigay ang pang-apat na korona sa Filipinas.

Noong nakaraang taon ay naibigay ng ating pambato ang Top 10 finish sa prestihiyosong pageant sa pamamagitan ni Rachel Peters, Fil-British model na tubong Camarines Sur.

Si Gray ay Top 5 finisher sa Miss World 2016.  AIMEE ANOC