UUNAHIN ni bagong talagang Finance Secretary Ralph Recto ang pangongolekta ng trilyon-trilyong pisong buwis.
“Number one is to collect for next year, I think P4.3 trillion in taxes, P3 trillion with the BIR, P1 trillion with the BOC and I think the Treasure has P300 million, it’s all about fiscal sustainability,’’ pahayag ni Recto nang tanungin sa isang press briefing sa Malakanyang kung ano ang kanyang unang gagawin kasunod ng pagtalaga sa kanya bilang DOF chief.
‘’So every night, when I wake up in the morning, dapat ang nakolekta natin more or less P20 billion to fund all the needs of our people, the requirements of the government and to make sure that the money is spent wisely,’’ dagdag pa niya.
Binanggit din ni Recto na uutang ang bansa ng P2.7 trillion sa susunod na taon.
Ang revenue target para sa 2024 ay nauna nang itinakda ng Development Budget Coordination Committee.
Bilang finance chief, sinabi ni Recto na susundin niya ang National Development Plan na binuo ng Marcos administration at titiyakin ang patuloy na pagpapatupad ng macrofiscal framework.
Nangako rin si Recto na titiyakin niya na ang umiiral na revenue measures na sinertipikahang urgent ni Pangulong Marcos ay aaprubahan ng Kongreso.
Pinalitan ni Recto si Benjamin Diokno na bumalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang miyembro ng Monetary Board member.