PINALAWAK ng Duterte administration ang suporta nito para sa pag-unlad at paglago ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Sa pagbubukas ng National MSME Week 2021, inalala ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez Lopez na noong itinalaga siya ni Presidente Rodrigo Duterte na maging DTI chief ay sinabi ng Chief Executive na ang MSME ay una sa kanyang mga prayoridad.
“This is not surprising because even at the start of this term, President Rodrigo Roa Duterte has always valued the efforts of our Filipino entrepreneurs,” ani Lopez, at idinagdag na sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), inilarawan ng Pangulo ang MSMEs na mahalaga para sa economic activity, paglikha ng trabaho, at pagbawas sa kahirapan.
Idinagdag pa ni Lopez na sa kabila ng mga hamong kinaharap ng MSMEs sa nakalipas na limang taon, kabilang ang Marawi siege at COVID-19’pandemic, ang ahensiya ay patuloy na naghatid ng serbisyo sa naturang sektor.
Aniya, ang DTI ay nakapamahagi ng 107,011 livelihood kits — 57,000 beneficiaries sa buong bansa at 50,011 para sa displaced persons sa Marawi — sa pamamagitan ng Livelihood Seeding Program nito.
May 996 Negosyo Centers na rin ang naitayo magmula noong 2016, para sa kabuuang 1,212 Negosyo Centers sa buong bansa.
Ang naturang Negosyo Centers ay nagkaloob ng business assistance sa 4.3 million clients, 2.1 million dito ay MSMEs.
Pinuri rin ni Lopez si DTI chief Gregory Domingo sa pagpapatupad ng Shared Service Facilities (SSF) program, na nagkaloob ng equipment, tools, at kaalaman sa MSMEs na nakatulong sa kanila para maging higit na kumpetitibo.
Sa kasalukuyan, may 2,894 SSFs sa bansa, kung saan 886 dito ang inilunsad sa ilallm ng Duterte administration.
Ayon pa sa DTI chief, nabiyayaan ng SSF program ang mahigit sa 200,000 MSMEs at lumikha ng mahigit sa 190,000 direct jobs. PNA
Comments are closed.