(Prayoridad ng liderato ng Kamara) PROTEKSIYON SA FILIPINO SEAFARERS

BATID ng liderato ng Kamara ang kahalagahan ng seafaring sector sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa lalo’t itinuturing ang Pilipinas bilang ‘one of the largest suppliers’ ng manpower sa global maritime industry.

Kaya naman tiniyak ni Speaker Martin G. Romualdez na prayoridad nila ang pagpasa ng mga batas na nakatuon sa pangangalaga, pagsusulong sa mga karapatan at iba pang benepisyo ng mga Pilipinong marino.

“The House of Representatives is prioritizing the approval of legislative measures that would benefit Filipino seamen or seafarers across the globe. In fact, it was among the 32 legislative measures specified as priority under the common legislative agenda of the Senate and the House of Representatives,” sabi ng House leader.

Bukod dito, sinabi rin ni Romualdez na maging ang iba’t ibang maritime schools sa bansa, kasama na ang Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) kung saan siya ang guest of honor sa 20th commencement exercises nito sa Mariveles Bataan kamakailan, ay nakatutulong din upang mapabuti ang ekonomiya sa pamamagitan ng paghubog at paglikha ng mga world-class seafarer na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Tinukoy ng House Speaker ang pagsusulong ng Magna Carta for Seafarers, ang proposed Maritime Education and Training Act at ang International Maritime Instrument Domestication Act, na mga panukalang batas na bibigyan ng ibayong pansin ng mga mambabatas.

Paliwanag ni Romualdez, nasa ilalim ng Magna Carta (o Great Charter) for Seafarers ang pagprotekta at pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng Filipino seafarers kung saan magkakaroon ng isang ‘code of laws’ na tutukoy sa kanilang duties, rights, entitlements and privileges at maging ang duties and obligations ng shipowners at manning agencies.

Gayundin ang pagpapabuti sa working conditions at terms and conditions sa pagtatrabaho para matiyak ang socio-economic well-being ng mga Pilipinong manlalayag, kung saan kasama rin ang implementing legislation ng Maritime Labor Convention of 2006, na niratipikanan ng Pilipinas noong August 13, 2012.

“Through this measure, we seek to institutionalize the protection of Filipino seafarers’ rights to to legitimate concerns such as just terms and conditions of work and safe and secure workplace that complies with safety standards, free legal consultation and representation, and appropriate accommodation, recreational facilities, proper and adequate nutrition onboard in order to protect and promote health and physical, emotional and psychological well-being of seafarers,” sabi pa ni Romualdez.

“The draft magna carta law also proposes the adoption and implementation of anti-harassment and anti-bullying measures to protect seafarers’ onboard ships; and provides financial and credit assistance to them especially in times of pandemics and other emergencies,” dagdag pa niya. ROMER R. BUTUYAN