(Prayoridad ng Senado sa ika-2 regular session ng 19th Congress) P150 WAGE HIKE BILL

KABILANG sa mga prayoridad ng Senado sa ikalawang regular session ng 19th Congress ang panukalang batas na naglalayong magpatulad ng P150 across-the-board wage hike sa pribadong sektor, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ang tinutukoy ni Zubiri ay ang kanyang inihaing Senate Bill 2002 na naglalayong taasan ng P150 kada araw ang kasalukuyang P570 arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa buong bansa.

Ito ay matapos ang kamakailang pag-apruba ng Regional Wage Board ng P40 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

“Given the urgency of the situation, a legislated wage increase is called for [to] ease the effect of wage erosion brought about by inflation… to cover food, water, fuel, electricity, clothing, transportation, rent, communications and other personal needs,” nakasaad sa panukalang batas.

Ayon kay Zubiri, layunin ng Kongreso na maipasa ang wage hike bill kasama ang 20 priority measures na tinukoy sa pagpupulong ng LEDAC noong Hulyo 5 bago mag-Christmas break ang mga mambabatas.

LIZA SORIANO