PRC ALL SYSTEMS GO NA SA UNDAS

ALL systems go na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Aabot sa 2,297 na first responders ang ipakakalat ng PRC mula sa kanilang 98 chapters at branches.

Mamanduhan ng responders ang nasa 320 first aid stations sa buong bansa na karamihan ay nakalagay malapit sa iba’t-ibang sementeryo partikular na ang Manila North at South Cemeteries sa Maynila.

Karamihan sa mga estasyong ito ay nakahanda na nang Miyerkoles, Oktubre 30 at ang iba naman ay handa na nang Martes pa lang, Oktubre 29 para sa mga dadalaw nang mas maaga sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang operasyong ito ng PRC ay mananatili hanggang sa Linggo, Nobyembre 3.

Para lalong matiyak ang maayos na paggunita ng Undas, magpapakalat din ang PRC ng 104 foot patrol units, 60 ambulance units at 57 mobile units.

RUBEN FUENTES