ANG sabong ay wala naman pong ubos ‘yan, habambuhay ay mayroon kaya huwag madaliin kung saan dapat nakaayos muna ang lahat na kailangan ng manok.
“Hindi dapat bulsa mo ang ready kundi ang manok ang dapat ready kasi patayan ang kanilang pupuntahan,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
“Pakatatandaan palagi ang nagmamadali ang nakakasalubong ay napakatalas na tari at ang nagmamadali ay lalo lamang pong naiiwan!” dagdag pa niya.
Ang mga manok po na nanalo pagkatapos ng laban ay hindi dapat pabayaan kasi sila po ay nakipagpatayan para sa ating kasiyahan.
“Ang paggagamot po at pagpapakain po ay depende po sa tama ng sugat, palagi hihina ang panunaw niyan basta sugatan kaya maganda po gamitin pakain 3-5 days pagtapos ng laban ay CARBOMAX G para sigurado mabilis matunaw at balik agad ang kanyang energy,” ani Doc Marvin.
Conditioning is 365 days a year kaya kinakailangan once a week spar narin sila para magtatanim sa kanila instict kung paano makipaglaban.
“Ang manok kapag walang training ay nabibingi/nakakalimutan nang pumalo. Huwag ibitaw ang manok na payat/mahina katawan kasi matututo sumuot sa ilalim ng kalaban kasi ang tendency niya ay yumuko nang yumuko kasi nga hindi kaya ng katawan niya ang makipaglaban,naitatanim po iyon sa kanyang isipan,” ani Doc Marvin.
“Pare-parehas na lang po manok ‘yan na kapag tinamaan ng tari sa kalinisan ay gagapang at gagapang iyan sa harapan mo kaya magkakatalo na lamang po sa pulso at pakiramdam at kung paano mo sila inalagaan,” dagdag pa niya.