PRE GALA NIGHT NG JAMS TOP MODEL 2018

JAMS TOP MODEL 2018-1

Naging matagumpay ang isinagawang PRE GALA NIGHT ng JAMS TOP MODEL 2018 sa Sitio Elena Events Venue noong nakaraang Linggo. Bagama’t ang ibang candidates ay galing sa malalayong lugar ay excited para sa kanilang unang general rehearsal, na animo ay grand gala night na. Alas-6:00 pa lang ng umaga  ay nasa venue na ang halos 300 kandidata.

Si CEO/President Ms. Maricar Moina at Mr. Jojo Flores ng JAMS ARTIST PRODUCTION ay hindi makapaniwala sa ‘di maawat na patalbugan mula sa category 1 hangang 2, sa  category 3 na nagpabongga sa kanilang makeup, at pataasan ng kanilang heels. Gayundin sa pagrampa.

Habang ang sponsors ay hindi magkandaugaga sa pagkuha ng video upang sa Pre Gala Night pa lang ay makapamili na sila para sa kanilang magiging ambassador at ambassadress  sa GRAND GALA NIGHT ngayong Nob­yembre 19, 2018 sa MALL OF ASIA ARENA, Pasay City.

Nagpapasalamat ang JAMS TOP MODEL 2018 sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila para sa tagumpay ng kanilang pangalawang taon gaya ng One Stop Soap, The scent and oil shop, Trilodent Gold, Vaniteeth Dental Solution Clinic, Sitio Elena Events Venue, Signrays Advertising Inc, Candy dollz Maggie magic Cream Blush, Bloom Naturelle Skin Care, Idarra Wellness Lounge,  Travellers Deal Inc, Healthy Meals ph, Chancellor 9000, Ramon Favila Designs Inc, Rain or shine, Stand one Production, Supreme Production, Araneta Steak house,  Gold River Beauty Spa, Roma Tours and Transportation  Inc – with Paula Joyce, Stage and Special Effects Rental, Stone House Hotel Morato. Para sa MEDIA PARTNERS, Chat Matrix, Pinas FM, Ripples Daily, 1FM, Asenso Pinoy TV, PBA, PILIPINO Mirror, at  BUSINESS MIRROR.

Comments are closed.