NILINAW ng Commision on Elections (Comelec) na “fake news” o hindi totoo ang mga social media post na pre-shaded ang mga balotang ibinibigay sa mga OFW sa Singapore sa overseas absentee voting.
Ayon sa Comelec Commissioner George Garcia, walang pre-shaded ballots sa Singapore na ibinigay sa mga botante.
Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Singapore na may isang insidente lamang kung saan, isang poll ballot ang naibigay nang hindi umano sinasadya.
Dagdag pa ng Embahada na sa ngayon ay naiulat na ito sa minutes of voting at itinuturing na isolated incident lamang. DWIZ882