PREEMPTIVE EVACUATION IPINATUPAD DULOT NI QUERUBIN

DAVAO DEL NORTE – NAGLUNSAD ng pre-emptive evacuations ang mga awtoridad sa tatlong barangay sa Panabo City dahil sa malalakas na ulan dulot ng low pressure area na mula sa da­ting tropical depression Querubin.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Disyembre 21, umagapay ang kanilang mga tauhan sa counterparts nila mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) Panabo para ilikas ang mga pamilya sa Purok Nido sa Barangay New Pandan, Purok Cabbage at Purok Radish sa Barangay Gredu, at Purok Galagala sa Barangay San Vicente.

Nasa kabuuang 57 indibidwal ang inasistehan hanggang nitong Sabado ng umaga.

Kasalukuyang tumutuloy ang mga ito sa San Vicente Gym evacuation center.

“The Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) said the mission reflected the seamless coordination between the Coast Guard, local government units, and other agencies, ensuring the safety of residents amid adverse weather.”

EVELYN GARCIA