GOOD day mga kapasada!
Bago ang lahat, “MERRY CHRISTMAS TO OUR KAPASADAS”. Paalaala lamang po, maging tapat tayo sa pagmamaneho ngayong holiday seasons.
Kakambal ng inyong pananabik na makadalaw sa mga kamag-anak sa malalayong lalawigan na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ninyo, iwasan ang anumang balakid sa inyong pagmamaneho sa iba’t ibang uri ng lansangang inyong tatahakin sa pagbabalik-lalawigan.
Una, gamitin natin ang kahinahunan sa pagmamaneho, iwasan ang road rage at igalang ang mga sign-age na nakalagay sa mga lansangan, maging sa highway at maliliit na provincial at municipal road na inyong tatahakin bago makarating sa takdang desti-nasyon. Iyan po ang matinding paalaala ng Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation and Franchising Regulato-ry Board (LTFRB).
Payo ng LTO, bago bumiyahe ay magsagawa ng masusing pagsusuri (checkup) sa sasakyang gagamitin sa malayuang pagla-lakbay.
Ang pinakamatinding payo ng LTO sa mga motoristang magbabakasyon sa iba’t ibang lalawigan, malayo man o malapit ay tiyaking nasa wastong kondisyon ang preno ng gagamiting sasakyan.
Ayon sa LTO, dapat ay siguraduhing nasa kondisyon ang mga gulong gayundin ang preno nang mai-wasan ang kahit na anong kapahamakan.
Paulit-ulit na lang na dahilan ang “nawalan ng preno” ang minamanehong sasakyan kaya’t nasangkot sa disgrasya.
DAHILAN NG LOSE BRAKES NA MAAARING MAIWASAN
Sa pakikipanayam sa isang service mechanics ng isang gas station sa kahabaan ng Sucat Road sa Para-ñaque City, para mai-wasan ang dahilang “pagkawala ng preno” sakaling ito nga ang tunay na dahilan ng traffic accident, narito ang ilan sa mga kailangang suriin nang masigurong hindi pumalya ang brake ng minamanehong sasakyan:
WALANG BRAKE FLUID
Ayon sa source, for most typical hydraulic brake system, none or not enough fluids ay katumbas ng walang preno.
Ang air brakes ay hindi naman dapat matalakay na dahilan sapagkat ito ay malayong ihambing sa prenong ginagamitan ng brake fluid.
Sa air brakes, ito ay ginagamitan ng air pressure samantalang ang brake na ginagamitan ng brake fluids ay maiiwasan sa pama-magitan ng regular na checkups at inspection ng brake system.
Ipinaliwanag ng source na tulad aniya ng lahat ng fluids, ang fluid brakes ay mayroong boiling tempera-ture, at ang karamihan sa mga sasakyan under typical urban or highway driving conditions will hardly ever reach that point.
Idinagdag pa nitong isa sa mga sitwasyon na maituturing kung bakit ang fluid ay nag-iinit ay tulad ng malimit na acceleration and deceleration.
Ipinaliwag pa ng source na sa tuwing magpipreno, ang brake rotors, brake drums and pads/ shoes ay nag-iinit o kumukulo.
Sa sandaling kumulo ang fluid, ito ay katumbas ng mawawalan ng preno gaano man kalimit na tapakan mo ang brake pedal.
OVERLOAD VEHICLE
Ang isa pang halimbawang ibinigay ng source na dahilan kung bakit nag-iinit (overheat) ang preno ay ang malayuang biyahe at overload o sobra-sobra ang karga ng sasakyan.
Aniya “driving without due caution when overloaded” ang sasakyan ay isa sa mga potent cause the brakes function flawless na ang end result ay mawalan ng control ang sasakyan para ito ay pahintuin na siyang dahilan ng banggaan.
SINTOMAS NA MAY TAGAS ANG BRAKE FLUID
Sa pakikipanayam kay Jess Veloria, isang certified professional mechanic ng Vilisario Compound, Ba-rangay San Isidro, Para-ñaque City, sinabi nito na ang preno ay isa sa most important component ng anumang uri ng sasakyan.
Aniya, “keeping your brake system in good condition is one of the best ways to ensure that a vehicle has a long lifespan and keeps you safe at the same time.”
Binigyang diin nito na kapag ang braking system ay hindi umobra, nangangahulugan aniya na maraming dahilan ng pagpalya nito gaya na lang ng may tagas ang brake fluid.
Ngunit ang pagtuklas sa sintomas ng brake fluid leaks ay mangangailangan ng various checkups sa var-ious areas dahil ang typical na preno ng sasakyan ay binubuo ng apat na bahagi (four areas) tulad ng:
a. brake master cylinder
b. brake lines
c. front brake calipers at
d. rear brake calipers o brake drum.
Ipinayo ni Jess na sakaling may tagas ang brake fluid, maaaring simulan ng may-ari ng sasakyan na han-apin ang dahilan ng brake fluid leaks.
KARANIWANG SINTOMAS NG BRAKE FLUID LEAKS
Paano malalaman kung may tagas ang brake fluid ng inyong sasakyan? May limang karaniwang maaaring pagbatayan ng brake fluid leaks tulad ng:
1. Brake warning light on – Ito ang karaniwang unang pinagbabatayan ng drayber. Maaaring ang inyong brake ay hindi naman tumatagas ang fluid, ngunit gaya nang nabanggit sa unahan, ang karaniwang problema ng brake ay tuwirang base sa low brake fluid (kulang sa fluid) kaya ikonsidera ito na isa sa dahilan. Suriin kung ito na nga ang may problema.
2. Tagas ng brake fluid – Kung inyong mapapansin ang maliliit na bakas ng patak ng fluid na malapit sa inyong gulong o mis-mong sa gulong, ito ay indikasyon na may tagas ang brake fluid.
Kung ang master cylinder ay tumatagas o kaya ang brake line, ang brake fluid na tumagas sa ilalim ng inyong sasakyan ay medyo may kahirapang alamin kung ito baga ay tagas ng brake fluid, transmission fluid o kaya naman ay motor oil at hindi brake fluid.
Upang matanto ang katotohanan, tsikin ang inyong brake fluid reservoir kung kulang sa sisidlan at kung gayon, tiyak na may tagas ang brake fluid.
3. Brake pedal feels squinshy (dumudulas) – Kung sa pagkakataong tinapakan mo ang pedal ng iyong preno at hindi ito kumak-agat at tumatakbo pa ito ng malayo-layo bago huminto, ito ay nangan-gahulugang dumudulas ang inyong preno. Maaaring nababara-han ang inyong brake line kaya hindi sapat ang fluid na dumadaloy para pumigil sa preno.
Sa normal na pangyayari, dapat ang brake lines ay may kompletong brake fluids upang malayang dumaloy sa linya ang brake fluid na siyang pipigil sa sasakyan kapag tinapakan ang preno.
Ayon pa kay Jess, kung walang sapat na brake fluid sa linya likha ng pagkakaroon ng tagas, papasok sa brake lines ang hangin na siyang sanhi kung bakit nawawalan ng preno sa panahon ng pangan-gailangan.
4. Brake pedal goes down to floor – Kung sumasayad sa floor ang inyong brake pedal kapag ito ay tina-pakan, may posibilidad na mayroong malubhang problema ng tagas ng brake fluid sa inyong brake cyl-inder na sa mechanic parlance ay “brake pedal sink”.
Ang ibig sabihin, walang sapat na brake fluid sa linya para makasuporta sa preno para ito ay kumagat kung tatapakan ang pedal.
Payo ni Jess, testingin na tapakan ang brake pedal bago lumarga sa biyahe upang makatiyak na gumagana ang preno at maga-wan ng nararapat na lunas kung ito ay hindi kumagat.
5. Poor stopping performance (hindi kaagad huminto) – Ipinayo ni Jess sa mga nagmamaneho na sa-kaling mahina ang perfor-mance ng preno, makabubuting ipasuri muna ito sa mga qualified mechanic hanggang sa ito ay mabigyan ng lunas.
Mahirap ipakipagsapalaran ang buhay ng pasahero ng pinatatakbong sasakyan. Ayon kay Jess “non-functioning brakes are one of the most serious car problems that can occur and are literally life – threatening.”
*** food for thought – defensive driving
Luck is not always a lady. Some drivers depend on luck to get them through intersections. They drive as if there are no other cars in the world. Eventually they find to their discomfort, that they are wrong.
The good driver relies on his own skill and good sense to avoid trouble. – source: Defensive Driving by: LB
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING! HAPPY HOLIDAY!
Comments are closed.