PRENUP AGREEMENT NINA HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO, “NO BIG DEAL”

No big deal sa mag-asawang Heart Evange­lista at Chiz Escudero ang pagpirma sa prenup agreement dahil wala umano itong kwenta sa kanilang dalawa.

“It’s for the peace of mind of the people who asked you. Kesa mawala ka naman, e di pirma na ako sa pre-nup,” ani Chiz.

“Under the law, if you don’t enter into a prenup agreement—which we have—the property relations between husband and wife will be governed by what is called an absolute immunity of property,” dagdag pa ng dating senador. “Ibig sabihin, what’s yours is mine, what’s mine is yours. Common lahat yun, pagsasamahin yun, unless you enter into a prenup agreement, and then you get to define your relationship. In our case, we have a prenup, which is a complete separation of property. What’s hers is hers. What’s mine is mine,” paliwanag pa ni Chiz.

Naniniwala ang mag-asawang hindi isyu ang pagkakaroon ng pre-nup agreement ng isang couple kung malawak ang pang-unawa nilang dalawa. Actually, dapat daw itong pag-usapan dahil baka maging issue pa.

Ayon naman kay Heart, dapat ay nagtutulungan sa finances ang mag-asawa at hindi yung sumbatan kung saan ginastos ang pera.

Ginawa raw nila ang pre-nup agreement para sa ikatatahimik ng mga taong humingi nito pero kung silang dalawa ang tatanungin, pwedeng wala ito.  Hirit ni Chiz, “Kesa mawala ka naman, e di pirma na ako sa pre-nup.” Maliwanag na mga magulang at kaanak ni Heart ang humingi ng pre-nup agreement.

“Nung kinasal kami, meron kaming mga anak—may mga aso ako, siya din meron din siyang anak. So kumplikado,” ani Heart.

Ikinasal sina Heart at Chiz sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon noong February 15, 2015. – KAYE NEB­RE MMARTIN