MAY BISA na hanggang isang taon ang prepaid load kaya positibo ang National Telecommunications Commission na mas lalawak na ang serbisyo ng mga network.
Sakop ng isang taong bisa ng prepaid load ang lahat ng network.
“Halimbawa may limang piso na naiwan at mag-e-expire na, maglo-load ka lang ng limang piso, ‘yong ten pesos mo isang taon ulit ‘yon,” ani Edgardo, Cabarios, deputy commissioner ng NTC.
“Parang hindi na mag-e-expire,” dagdag niya.
Kabilang sa mga natuwa ang construction worker na si Benhur Lanzon na gumagastos ng P50 kada linggo sa load para maka-text ang pamilya niya.
“Makatitipid kasi hindi na kailangan na load nang load, kailangan lang tipirin ‘yong text mo,” ani Lanzon. /PILIPINO Mirror
Comments are closed.