(Preparasyon sa 2022 elections) ‘VOTING SIMULATION’ ISASAGAWA SA PASAY

PINILI ng Commission on Elections (COMELEC) ang lungsod ng Pasay para sa pagsasagawa ng “voting simulation” bilang preparasyon sa darating na lokal at nasyonal na eleksyon sa taong 2022.

Ito ang sinabi ni Atty. Ronaldo Santiago, Pasay City Comelec officer na kung saan nakapaloob sa liham na ang lungsod ang napili ng Comelec sa pagsasagawa ng “voting simulation” na gaganapin sa Setyembre 19 mula 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.

Sa liham ni Santiago, nakasaad dito na isasagawa ang naturang simulation sa P. Zamora Elementary School (PZES) at ang mga kalahok ay kailangan na mga rehistradong botante ng Barangays 110 at 113 noong midterm 2019 national at local elections.

Dahil dito,hinihingi ng COMELEC ang buong suporta at assistance sa pakikipag-ugnayan ng Pasay City Inter-Agency Task Force, Pasay City Health Office, Philippine National Police, Department of Education, Liga ng Barangay, Sanguniang Kabataan Federation, at ng Public Information Office (PIO) sa nakatakdang aktibidad.

Nais ng Comelec na masiguro na masusunod ang health protocols gayundin ang kaligtasan ng bawat rehistradong botante na sasali sa nakatakdang aktibidad ng simulation.

Hiniling din ng Comelec sa PIO na paigtingin ang information drive at hikayatin ang mga sasaling rehistradong botante sa mga nabanggit na barangay. MARIVIC FERNANDEZ

5 thoughts on “(Preparasyon sa 2022 elections) ‘VOTING SIMULATION’ ISASAGAWA SA PASAY”

  1. 594158 155352Seeking forward to move into one more hous?! […]Real estate busines is finding more and much more less protitable, check out why[…] 830315

  2. 837729 355802Naturally I like your web-site, nevertheless you need to have to check the spelling on several of your posts. Several of them are rife with spelling troubles and I uncover it really silly to inform you. On the other hand I will definitely come once again once again! 459407

Comments are closed.