PRES. XI JINPING MALUWALHATING NAGBIYAHE

PRES XI JINPING

PASAY CITY – NAGPATUPAD  ng mahigpit na seguridad kahapon ang Southern Police District (SPD) matapos na salubungin ng kilos-protesta ng may 200  militanteng grupo ang pagdating sa bansa ni China President Xi Jinping.

Dakong 9:45 ng ­umaga ay nakabantay na ang pwersa ng SPD at nagsagawa ng inspection si Supt. Celso M. Rodriguez, commander ng Technical Unit (TU) Public Order sa NAIA CDM 3  na matatagpuan sa isang gasoline station  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama rin sa nakaantabay  sa naturang lugar ang grupo ng Chinese nationals mula sa Philippine Chinese Chambers of Commerce at Industry (PCCCI) at 23 pang individuals para hintayin ang pagdating ni President   Xi Jinping na may dalang welcome banner  na nakalagay ang Chinese charac-ter.

Alas-11:00 ng ­umaga ay nag-inspeksiyon naman ang pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO)  at SPD sa pa-mumuno ni General Guillermo Eleazar sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City kung saan pansamantalang mananatili ang pangulo ng China.

Si President Xi Jinping ay dumating sa bansa dakong 11:37 ng umaga sa NAIA Terminal 1 sakay ng China Air Lines.

Sa pahayag ng SPD,  tinatayang humigit kumulang sa 200 militanteng grupo ang nagsagawa ng kilos-protesta sa harapan ng China Embassy na matatagpuan sa Buendia Ave­nue, Makati City upang mariing tutulan  ang pagdating ni Xi.

Kinumpiska naman ng mga pulis ang placard at tarpaulin na nagsasaad ng mga offensive na salita laban sa pangulo ng China.

Bahagi pa rin ng seguridad ay nagtalaga ng mga kapulisan sa bawat kalye na malapit sa NAIA at sa mga lugar na dadaanan ng convoy ni Xi.

Ayon sa SPD, wala namang napaulat na untoward incident sa pagda­ting ng pangulo ng China. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.