PINARANGALAN ng Civil Service Commission (CSC) ang isa sa itinuturing na pinakamagaling na kagawad ng Philippine National Police (PNP) matapos sumailalim sa isang masusing deliberasyon.
Ayon sa CSC iginawad ngayong taon ang Presidential Lingkod Bayan Award kay P/Major Rosalino Ibay , hepe ng MPD-SMART or Special Mayor’s Reaction Team .
Sa kabila ng pandemya,bumubuhos naman ang mga parangal na nakuha ng lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong taong mula sa Department of Interior and Local Goverment (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI).
Si Ibay ay nahirang na awardee ng prestiyosong Presidential Lingkod Bayan award regional winner ngayong taong 2020 na ginanap sa tanggapan ni CSC Director Margarita Reyes na dinaluhan din ni MPD-Director Brig. Gen Leo Francisco, mga piling kaibigan at kawani ng CSC.
Ayon kay Reyes, iginawad kay Ibay ang plaque ng pagkilala sa mga nagawa nito bilang isang masipag at episyenteng ‘law enforcer’ sa buong PNP .
Sinabi pa ni Reyes, ang naturang parangal ay taon-taon isinasagawa ng tanggapan ng Pangulo sa Malakanyang ngunit bunsod ng umiiral na pandemya ay kinansela ito at nagdesisyong isagawa na lamang sa tanggapan ng CSC sa Taguig City.
Si Ibay ay ang napiling awardee at kauna-unahang ginawaran sa hanay ng PNP at pinili ng komite ng CSC makaraang inirekomenda ng ibat-iba’t pribadong grupo kabilang na rin ang PNP command.
“ Ang karaniwang gingawaran ng ganitong pagkilala sa hanay ng mga lingkod bayan (public servant) ay nanggagaling sa propesyonal na kawani na mga national government agencies at ito ang kauna-unahang na police officer ang ginawaran ng ganitong award at taon-taon ito ay isinasagawa sa palasyo at presidente ng Pilipinas ang nag-aabot ng plaque” ani Reyes.
Inihayag naman Francisco, kahanga-hanga ang mga accomplishment ni Ibay at isa itong malaking karangalan hindi lang ng MPD kundi sa buong hanay ng PNP .
Bukod dito, sa pamamagitan ni Ibay ang ugnayan at relasyon ng MPD at LGU Manila ay maayos at lahat ng programa ni Mayor Isko Moreno ay natutugunan.
“Natutuwa ako sa inabot ni Maj Ibay, who rose from the ranks mula PO1 hanggang sa kanyang mga sunod na promotion na nag mula sa mga maaksiyon encounter at mga panganib na kanyang nalampasan, mula sa ibat ibang PNP unit sa buong Pilipinas na kanyang pinaglingkuran, isa siyang ehemplo ng mabuting police officer” ani Francisco.
Si Ibay ay kasalukuyang namununo bilang hepe ng MPD-SMART at concurrent chief ng District Anti-Carnapping Unit (DACU). VERLIN RUIZ
Comments are closed.