PRESO NAMARIL SA SELDA BAGO NAGPAKAMATAY, INMATES TODAS, 5 PA SUGATAN

ISANG preso ang namatay habang limang kasamahan niya ang malubhang nasugatan nang mag-amok ang kapwa nila inmate at mamaril bago nagpakamatay sa loob ng selda ng Oriental Mindoro Provincial Jail sa Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro, nitong Martes ng madaling araw.

Namatay ang preso na si Lowelyn Laguerta Mendoza, 36, habang inooberbahan pa sa ospital ang mga kapwa inmates na sina Jeffrey Bajo Delos Reyes, 37; Christian Encarnado Licuan, 45; Hector Culla Abes, 41; Mark Belleza Dela Cruz, 42, at Alberto Lubusan Ebueza, 21, pawang mga preso sa Oriental Mindoro Provincial Jail.

Ang preso na nag-amok at namaril na nakilalang si Edison Sulit Sampaga, 41, walang asawa, ay namatay din matapos na magbaril sa sarili. Siya ay nakulong sa mga kasong paglabag sa Section 2 ng R.A. 82904 at Section 28 R.A. 10591.

Sa natanggap na report ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), bandang alas-2:00 ng madaling araw (September 7), nang maganap ang insidente sa loob ng Selda 1 ng Oriental Mindoro Provincial Jail na matatagpuan sa Provincial Capitol, Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.

Nang ireport ni Ricky Sevilla Rom, Prison Guard I, team leader, ang pangyayari ay agad na nagresponde ang mga operatiba ng Calapan City Police Station, kasama ang mga tauhan ng Special weapons and tactics (SWAT) sa nasabing piitan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Calapan CPS, nag-amok umano ang suspek habang may hawak na 9mm Caliber pistol (Bul Storm) na may serial number BS05150 at pinagbabaril ang mga kasamahan sa loob ng selda na kinabibilanang ni Mendoza.

Nang makitang pawang duguan ang mga kasamahan preso ay saka nagbaril sa sarili ang suspek.
Agad na isinugod ang mga presong biktima sa Provincial Hospital, maging ang nag-amok na si Sampaga subalit idineklarang dead-on-arrival ito at si Mendoza, ng attending physician na si Dr. Lorenz Paolo A Repuerzo.

Nasamsam sa crime scene ang 10 fired cartridge cases, isang deformed bullet, limang bullet fragments, isang unit ng VIVO cellphone at isang black holster.

Ang ginamit na baril ng suspek ay dinala sa Calapan CPS at isusumite sa RCLO 4-B para sa ballistic examination. EVELYN GARCIA

7 thoughts on “PRESO NAMARIL SA SELDA BAGO NAGPAKAMATAY, INMATES TODAS, 5 PA SUGATAN”

  1. 189537 777673This really is genuinely interesting, Youre a extremely skilled blogger. Ive joined your rss feed and appear forward to seeking a lot more of your magnificent post. Also, Ive shared your internet internet site in my social networks! 303951

Comments are closed.