PRESONG ‘ARTISTA’ PUMUGA

preso

MAYNILA – NAGOYO ng isang inmate ang kanyang mga police escort matapos itong umarteng naninikip ang dibdib, nagpasugod sa ospital at sinamantala ang pagkakataon upang makatakas sa Malate district.

Dumaan sa isang maliit na butas sa comfort room ng Ospital ng Maynila si Armand Arroyo, 35, ng Leveriza Street, sa Malate, na mayroong drug case at nakakulong sa Manila Police District (MPD)-Station 9.

Inaresto at ikinulong naman ng awtoridad ang ina ng suspek na si Ma. Teresa Arroyo, matapos kasabwatin ng kanyang anak sa pagtakas mula sa escorts na sina P01 Rolly Lidaño at PO1 Kelvin Ramirez.

Ayon sa report na ipinarating kay Supt. Roberto Domingo, station commander ng MPD-PS 9, ipinatawag ng suspek ang kanyang ina at nagpasugod sa mga pulis sa  nasabing ospital saka tumakas.

Samantala, iniutos naman ni MPD Director P/Chief Supt. Rolando Anduyan ang manhunt ­operation laban sa inmate.    PAUL ROLDAN

2 thoughts on “PRESONG ‘ARTISTA’ PUMUGA”

  1. This would be the proper weblog for anybody who really wants to find out about this topic. You recognize a lot its practically tricky to argue along (not that I actually would want…HaHa). You certainly put a whole new spin with a topic thats been revealed for some time. Fantastic stuff, just excellent!

  2. 573932 502927Excellent blog here! Also your internet website loads up fast! What host are you using? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as quickly as yours lol 17524

Comments are closed.