RIZAL- SA loob na ng piitan tinanggap ng presong may kasong frustrated murder ang isa pang warrant of arrest sa kasong rape sa Taytay sa lalawigang ito.
Sa ulat na tinanggap ni Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang suspek na si Henry Salas y Cortez Jr., most wanted Regional Level at nakapiit sa Taytay Temporary Jail Facility.
Ayon sa record, Disyembre 23 nang tanggapin ni Salas ang warrant of arrest na isyu ni Judge Ruth D. Cruz-Ssntos ng RTC branch-72 ng Antipolo City na may petsang Nobyembre 13, 2007 sa kasong panghahalay.
Ayon pa sa korte walang nakalaan na piyansa laban sa akusado para sa panandalian nitong kalayaan.
ELMA MORALES