PINANGUNAHAN ng National Press Club of the Philippines ang pagdiriwang ng National Press Freedom Day nitong Miyerkules sa bakuran ng NPC sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.
Ayon kay NPC President Lydia Bueno, kasabay ng naturang pagdiriwang ang paggunita sa ika-173 guning taong pagsilang ni Gat Marcelo H. del Pilar na sinaksihan ng apo sa tuhod ni Plaridel na si Gng. Rita Margarita Aguas at kanyang kabiyak na si Bartolome Aguas.
Aniya, bilang pagkilala sa kadakilaan ni Del Pilar na tinaguriang Ama ng Pamamahayag sa bansa, itinayo nila ang busto nito sa bakuran ng NPC kung saan isinagawa ang unveiling nito kasabay sa pagdiriwang ng naturang okasyon.
Matagumpay na naitayo ang busto sa pakikipagtulungan nina Rep. Erwin Tulfo ng ACT-CIS Partylist, Lion Engr. Jay Peña Son, pangulo ng Pasay City Host Lions Club, 3PMJF; Philippine National Police Chief PBGen. Benjamin Casuga Acorda, Jr., Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Pres. Cecilio Pedro na kinatawan ni Wilson Flores.
Dumalo rin sa naturang okasyon sina BGen. Redrico Maranan, PNP-PIO chief na kinatawan ni PNP Chief Acorda; Gen. Andrei Dizon, district director ng MPD; PTFOMS Exec. Director Paul Gutierrez; Philippine Information Agency Director General Jose Torres, Jr.; Intramuros Administration Administrator Atty. Joan Padilla, Komisyon ng Wikang Filipino Chairman Arthur Casanova, National Historical Commission Deputy Director Alvin Alcid, News and Information Bureau Director Luis Morente, Historian King Cortez, Publishers Association of the Philippines Inc. President Nelson Santos at sinaksihan ng mga opisyal ng iba’t ibang press corps at iba pang aktibong mamamahayag.
Pinasalamatan din ni Bueno ang iba pang opisyal ng NPC na sina Vice President Kristina Maralit, Secretary/Auditor Leonel Abasola, Treasurer Mina Navarro at mga director na sina Alvin Murcia, Aya Yupangco, Jean Fernando, Nats Taboy, Madz Dominguez, Jun Mendoza, Benedict Abaygar, Jr., Jeany Lacorte at Bobby Ricohermoso gayundin ang NPC staff.
Matapos ang naturang okasyon, isinagawa ang pamamahagi ng educational assistance sa mga anak ng mga miyembro ng press club at namahagi rin ng ayudang bigas at noodles sa mga miyembro. VC