PRESS FREEDOM SA BANSA BUHAY NA BUHAY

press freedom

IGINIIT  ng Presidential Task Force on Media Security na buhay na buhay ang press freedom sa bansa.

Kasunod ito nang pagkakaaresto kay Rappler Ceo Maria Ressa sa kasong cyber libel.

Ayon sa task force, isolated case ang nangyari kay Ressa at mayroon namang ibang journalist na nahaharap sa libel charges dahil sa kasong isinulat at dumaan din sa proseso ng pag-aresto, paglagak ng piyansa at sumabak sa paglilitis tulad ng kay Ressa.

Binigyang diin pa ng task force na may mga kaso kung saan ang isang mamamahayag ay hindi nabigyan ng pagkakataon sa due process sapagkat pinagbantaan ito o kaya naman ay pinaslang.

Sinabi pa ng task force na ang kaso ni Ressa ay pagkakataon para rito at sa Rappler na igiit ang kanilang karapatan na makapag-prisinta ng ebidensiya na makapagsasabing hindi sila guilty sa kasong cyber libel.                 DWIZ882

Comments are closed.