(Prestihiyosong award para sa bansa) FILIPINAS KINILALA BILANG ‘BEST SEA GAMES ORGANIZER’

Sea games

KINILALA ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine Sea Games Organizational Committee (PHISGOC) sa kaka­yanan nitong mag-organisa ng pinakamagandang SEA Games.

Anila, ibang level ng efforts ang kanilang ibinigay upang ma­ging world class ang opening ceremonies at ang kabuuang 56 sports at 530 iba pang events.

Ang SPIA Asia Awards ay isa sa mga prestihiyoso at kinikilalang award giving body sa Asia na may malalim na background sa pagbibigay ng pagkilala sa Asian Sports Industry ng mahabang taon.

Bilang nangungunang sports business conference at awards platform sa Asia, ang SPIA Asia ay nagbibigay ng recognition sa Asia’s Top 10 sa mahigit 25 distinct awards categories kasama na ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category, na mayroon pang gold, silver, at bronze na iginagawad sa best performers. Mismong si SPIA CEO Eric Gottschalk ang personal na nagbigay ng award kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano at PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara sa ginanap na conference na inorganisa ng SPIA Asia sa Grand Hyatt Hotel.

Nagalak naman si Suzara sa SPIA at sinabi nito na lalo pang mai-inspire ang tauhan ng PHISGOC para lalong ganahang mag-trabaho para mapagbuti pa ang pagdaos ng SEA Games sa mga natitirang araw. Matapos ang 14 taon, ang Filipinas ang nag-host sa 30th edition ng Southeast Asian Games.

Ang matagal na pag-aabang ay sulit sa maganda at maayos na Games kung saan na­ging oportunidad para sa bansa na ipakita ang kaayusan sa pagsagawa ng biennial games.

Naging daan din ito na malaman ng ibang bansa na ang Filipinas ay isang sports powerhouse sa rehiyon. Matapos ang tatlong araw, ang mga atleta ay umani na agad ng 95 medals sa iba’t ibang kumpetisyon sa halos lahat ng sports events. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.