PRESYO NG 93 BILIHIN TUMAAS

SUMIPA ang presyo ng 93 pangunahing bilihin, kabilang ang processed milk at canned meat, ng hanggang 11 percent magmula noong Enero, ayon sa consumer group Laban Konsyumer, Inc.

Gayunman ay pinabulaanan ni Trade Undersecretary Ruth B. Castelo ang naturang report. Tinawag niya itong ‘inaccurate’ dahil sa pagkuwenta ng Consumer Protection Group ng Department of Trade and Industry (DTI), nasa 84 items lamang ang sumirit ang presyo sa ­unang pitong buwan ng taon.

Sa isang news release kahapon, sinabi ni Laban Konsyumer President Victorio A. Dimagiba, Jr. na nirepaso ng kanyang grupo ang mga bilihin na may suggested retail prices (SRPs), at natuklasan na may 93 commodities sa 132 sa original SRP list ang may mas mataas na presyo hanggang noong Hulyo 16. Ang  expanded SRP list ay umaabot na ngayon sa 211 goods.

“[This is] bad news for the consumers because in the old SRP list of 132 items, 93 items had increased prices since January to date, meaning 70 percent of the goods increased prices. If we use the new denominator in 211 items in the expanded SRP, that is 44 percent increase, which is still bad news for consumers, and the poor are greatly affected here,” wika ni Dimagiba.

Ang SRP ay ipinataw sa mahigit isang dosenang produkto na kinabibilangan ng canned sardines, tomato sauce, processed milk, coffee refill, bread, instant noodles, iodized salt, detergent soap, bottled water, candles, canned meat, condiments, soap at batteries.

“When we excluded the 17 items of bottled water and 28 items of candles, that is an unconscionable 113 percent increase in the listed items,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa Laban Konsyumer, may 15 brands ng canned sardines, 22 brands ng processed milk, 24 brands ng canned meat at 16 brands ng condiments na sumirit ang presyo mula Enero hanggang Hulyo.

“The percentage increases range from 2 percent all the way up to 11 percent, or P0.25 to P1.95 per piece. Six brands of canned meat and condiments had increased twice this year. For the month of July, three brands of sardines had increased prices. Under the expanded SRP, four brands of condiments had price increases,” ani Dimagiba.

Aniya, masyado itong mataas para sa mahihirap na consumers, at muling nanawagan sa DTI na magpatupad ng moratorium sa price hikes sa mga bilihin na may SRP hanggang sa opening quarter ng susunod na taon.

Hinikayat din ng consumer group leader ang mga trade official na pigilan ang mga manufacturer sa paggamit ng easy open lid para sa canned goods. Aniya, ang isang lata ng premium sardines ay may SRP na P16, subalit ang mga may easy open lid ay may SRP na P16.50.

Samantala, sa text message sa BusinessMirror, sinabi ni Castelo na ang numero ng Laban Konsyumer ay hindi tama at sa pagkuwenta ng ahensiya ay iba ang lumabas.

“In DTI computations, only 84 out of the 209 SKUs [shelf keeping units] increased their prices, [while the other] 125 remained stable. This comprised only 40 percent [of the SRP list], contrary to the 70 percent alleged by Laban Konsyumer,” ani Castelo.

Dagdag ni Castelo, ganito pa rin ang magiging kaso kahit alisin ang bottled water at kandila sa pagkuwenta.

“If you remove non-food products, like water and candles, this will increase slightly to 45 percent, still far from the 70 percent claimed by Laban ­Konsyumer,” aniya.  E. ROSALES

Comments are closed.