PRESYO NG AGRI FOODS PABABABAIN PA

Matapos simulan ngayong Huwebes ng  Department of Agriculture (DA) na ibenta sa mga piling pamilihan sa Metro Manila ang P40 kada kilo ng bigas, ipinangako naman ni Department of Agriculture (DA)  Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sisikapin pa  na mas babaan pa ang presyo ng mga pagkain na produkto ng agrikultura upang labanan ang negatibong epekto ng inflation na nakakaapekto lalo na sa mga mahihirap na mamamayan na apektado sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa kasalukuyan.

“The initiative, part of the KADIWA ng Pa­ngulo program. (It) offers unlimited quantities of the food staple at P40 per kilo. This move seeks to help lower retail prices, which remain high despite easing global rice prices and substantial tariff reductions,” sabi ng DA sa isang statement.

Samantala, may ilang rice retailers na rin sa mga napiling pamilihan ang nagsimulang magbenta ng P40 kada kilo upang masabayan ang presyo ng  bigas sa  programang ito  ng pamahalaan na nagsilbing kakompetensya nito.

Ang naturang hakbang ay isinagawa ng pamahalaan matapos manatiling mataas ang presyo ng imported na bigas at ibang produkto ng agrikultura sa kabila ng pinalaking pagtapyas ng 35% mula sa 15% sa mga taripa nito sa bisa ng Executive Over ni President Ferdinand Marcos, Jr. noong Hulyo.

“If international rice prices continue to ease, the peso remains stable, and tariffs stay low, we would most likely see the price of well-milled rice decline further in the coming months….The DA stands ready to intervene in the market if rice prices remain unrealistically high, specially with the additional P5 billion provided by President Marcos to support the Rice-for-All and the P29 [per kilo of rice] program,” sabi ni Tiu-Laurel.

Bagamat sa huling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay bumilis ang inflation noong buwan ng Hulyo bunga ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain, sinabi rin nito na nagkakaroon ng positibong epekto ang mga hakbang na isinasagawa ng ahensiya.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni Economic Planning Undersecretary and National Statistician Claire Dennis Mapa, ang rice inflation ay bahagyang bumaba ng  5.1 noong Nobyembre mula sa 9.6 na posiyento noong Oktubre.

Subalit ang naging bahagyang positibong epektong ito ay nabawi naman bunga ng biglang pagtaas ng presyo ng mga gulay dahil sa sunod sunod na bagyo at ang presyo ng mga karne ng baboy dahil naman sa patuloy na negatibong epekto ng African Swine Fever (ASF) na sakit ng mga alagang baboy.

Ayon kay Mapa, naging maganda aniya ang epekto ng Rice-for-All program ng pamahalaan dahil naging abot kaya ito sa mga mamimili.

“Rice inflation has been on a downtrend since January…The retail prices for regular, well-milled, and special rice are also declining. This is good news for households,” sabi ni Mapa.

Nakatulong aniya ang pagpipilit ng DA na mapababa ang  presyo ng mga pagkain sa pagbagal ng inflation lalo na  sa bottom 30 percent ng income households, na may malaking alokasyon  ng kanilang pang araw araw na budget sa pagkain.Ayon sa PSA, sa kada P100 na ginagastos ng mahihirap na pamilya P18 dito ay para sa bigas.

“Inflation for lower-income households slowed to 2.9 percent in November, down from 3.4 percent in October and 4.9 percent in November 2023, “ayon sa DA. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia