NALAMAN ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang pagmo-monitor sa Commonwealth Market at iba’t ibang supermarkets sa Quezon City, na bumaba na ng husto ang agricultural products sa resonableng antas habang ang manufactured basic necessities at pangunahing bilihin ay nakapako na sa Suggested Retail Prices (SRPs) o mas mababa.
Ang pagbagsak ng presyo ng produktong agrikultura tulad ng baboy, gulay, at isda ay nasa P5 hanggang P50. Ang manok na lamang ay ibinebenta sa P100 bawat kilo na P45 o mas mababa sa naitala noong Enero 9, 2019 ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa mga supermarket, ang manok ay nasa presyo ng P90 hanggang P99 bawat kilo, depende kung anong brand ng manok.
“The DTI is very pleased to see that prices of agricultural products are now at its most reasonable level where consumers are assured to get value for their money, and fair return of investment for the retailers,” sabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth B. Castelo.
Dumidirekta ang Commonwealth Market ng kanilang pinagkukunan sa prodyuser kaya mababa ang presyo nila. Hinihimok ng DTI ang konsyumer na bumili ng agricultural products sa naturang bilihan. Sa kabilang banda, ang mga retailer ay puwedeng makinabang sa mababang presyo. Paliwanag ni Undersecretary Castelo, “Since Commonwealth Market removed the middle players from the supply chain, they are able to sell agricultural products at very low prices. Those retailers who do not have direct link to producers may source their products from Commonwealth Market and sell these at the SRP level. In this way, they sell at affordable prices to consumers while gaining reasonable profit.”
Sa asukal naman, inanunsiyo ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ang kanilang panukalang SRP para sa puting asukal ay refined P50 bawat kilo habang P45 bawat kilo para sa brown sugar.
Natutuwa ang DTI na makita sa mga major supermarket tulad ng Robinsons at SM na nagbebenta ng asukal sa kanilang naka-set na SRPs. Pero para sa mga nagbebenta ng higit sa presyong ito ang SRA ay makikipag-ugnayan sa mga retailer para makakuha ng impormasyon sa kanilang sources para malaman ang rason ng mataas na presyo.
Nananawagan ang DTI sa mga konsyumer na ireport ang anumang may kaugnayan sa presyo at supply sa 1-384 (1-DTI) Consumer Care Hotline [email protected] email.
Comments are closed.