ASAHAN na ang pagtaas pa ng presyo ng alak at iba pang alcoholic beverages.
Ito ang napagkasunduan sa hearing ng House Committee on Ways and Means na pinangungunahan ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing.
Isang technical working group ang nilikha ng komite upang pagsamahin ang dalawang bill na layuning itaas pa ang liquor tax na iniakda nina Deputy Speaker Sharon Garin at Sultan Kudarat 2nd District Rep. Horacio Suansing na asawa ng committee chairperson.
Ayon sa mga author, dapat pang itaas ang buwis sa alak gaya noong 2012 bilang bahagi ng sin tax law.
Ang layunin anila ng batas noong 2012 ay itaas ang kita ng gobyerno at bawasan ang alcohol consumption subalit marami pa rin ang kumokonsumo.
Sa sandaling magpataw ng mas mataas na alcohol tax, karagdagang 194 billion pesos ang magagamit upang palawakin ang universal health insurance program ng pamahalaan.
Comments are closed.