PRESYO NG ASUKAL… NAKASASAKAL!

edwin eusebio

POSIBLENG aangkat na ang Department of Agriculture,

Bulto-bultong Asukal para magamit natin sa Future…

Sumirit na kasi ang presyo nito, Inamin ni Sec. Manny Piñol

Maaaring magtakda na rin ng SRP sa Asukal kung ganoon.

 

Pumalo na  sa 53 pesos kada kilo ng Asukal…

Mula sa dating Kuwarentay Tres pesos Kama­kailan.

Tinatayang sa taon na ito ay magkakaroon ng Kakulangan,

Kundi maaagapan ang suplay ng asukal at Matustusan.

 

Apektado ngayon ng kakapusan ng asukal …

Iba’t ibang mga produkto na may sangkap pampatagal

Mga de-Boteng inumin na paboritong kalakal…

Pihadong Sisirit ang presyo at magmamahal.

 

Nakalulungkot nga lamang ganitong kaganapan…

Kung babalikan natin ang kasaysayan ng kalakal.

Noon ang Filipinas ay nagluluwas pa ng Asukal

Ngayon ay Baligtad na… sa presyo ng asukal tayo ang nasasakal.

 

Patuloy ring nagdurusa at ngayon ay naghihirap

Mga Magsasaka at Sakada ng Asukal sa kabuhayan ay Salat,

Maghapon sa Tubuhan panay Paglilinis at Pagtatabas…

Wala namang kinikita inaalipin pa ng mga nakatataas.

 

Dahil sa ganitong Sitwasyon ng mga Sakada na Hamak,

Marami sa kanila ang hindi na tumagal at Lumikas

Naghanap ng hanapbuhay para sa maayos na hinaharap,

Iniwan ang Industriya ng matamis na asukal na naging…

Mapait na paghihirap!



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.