UMAPELA ang mga sugar at biscuit maker sa gobyerno na payagan silang mag-angkat ng asukal para maiwasan ang bilyon-bilyong pisong pagkalugi at kalaunan ay pagkawala ng trabaho ng may 20,000 manggagawa.
Sa panayam ng mga reporter, sinabi ng confectionary producers na kasalukuyan silang nagdurusa sa mataas na presyo ng domestic sugar, na anila ay pumalo na sa P2,790 per 50-kilogram bag (Lkg), mahigit sa doble ng halaga ng imported sugar na P1,300 per Lkg.
Hinihingi ng local producers na nabibilang sa Philippine Confectionery Biscuits and Snacks Association (PCBSA) ang suporta ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang kahilingan na bumili ng asukal sa ibang bansa.
Ayon kay dating PCBSA President Reynaldo Y. Go, ang industriya ay inaasahang malulugi nang malaki sa lahat ng aspeto – mula sa production output hanggang sa benta at employment. Ang domestic confectionery producers ay nag-ambag ng may P21 billion sa kabuuang P30 billion sales ng sektor noong nakaraang taon, habang ang nalalabing P9 billion ay nagmula sa imported candies at biscuits.
Sa pagtaya ni Go, malulugi ang local industry ng hanggang P8.5 billion ngayong taon kapag hindi sila pinayagan ng pamahalaan na mag-angkat ng asukal dahil ang domestic prices ng commodity ay pataas nang pataas.
“We are projecting to lose around P8.5 billion in sales if we are not allowed to import,” wika ni Go.
Aniya, dahil dito ay maaari silang magtanggal ng may 20,000 manggagawa. Kalahati ng mga obrero na maaaring mawalan ng trabaho ay magmumula sa member-manufacturers ng PCBSA.
“We ask only fairness from the government and the SRA [Sugar Regulatory Administration]. The government supported the sugar industry, but we, confectionery producers, are not given much backing. The government is allowing the importation of rice because it is a basic commodity. They should also allow the importation of sugar because it is a staple,” ani Go.
Target ng candy at biscuit makers na mag-angkat ng may 15,000 metric tons (MT) ng asukal upang madagdagan ang kanilang manufacturing requirements. Kapag pinayagan ng pamahalaan ang pag-angkat ng asukal ngayong buwan, inaasahan nilang darating ang mga bag sa Hulyo hanggang Setyembre, bago ang susunod na sugar milling sa Oktubre.
“We need to sustain our production, our sales and our workforce. I hope the government allows us to import, or else the sector will become more depressed,” ani Go.
Nagpalabas na ng pahayag si Trade Secretary Ramon M. Lopez na sumusuporta sa kahilingan ng mga candy at biscuit maker na mag-angkat ng asukal.
“They should be allowed to import. Before, we talked to industrial users to commit to buy local sugar to help local farmers. Now that [industrial buyers] are buying local sugar, [farmers] should ensure competitive pricing and supply. World market prices are much lower and it is fair to allow importation to serve the supply requirements of sugar users,” ani Lopez. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.