NAGSIMULA nang magtaasan ang halaga ng asukal sa merkado na umabot sa 10 hanggang 15 sentimos.
Ito ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenigildo Serafica matapos pumalo sa P65 hanggang P68 ang kada kilo ng refine o puting asukal na mula sa dating P57 ang halaga.
Sa naturang pagtaas presyo ng asukal ay damay din ang may kalidad na segunda mano na naglalaro sa P50 hanggang P53 mula sa P40-45 kada kilo at ang brown sugar na dating P47 kada kilo ay pumalo ng P51-P54.
Pinayagan naman ng gobyerno ang SRA na mag-angkat ng 200,000 metriko toneladang asukal para punan ang kakulangan ng supply sa bansa na nagiging dahilan ng pagtaas presyo nito.
Paliwanag ni Serafica, bumaba ng 14.24 porsiyento ang produksyon ng raw sugar kumpara noong nakaraang taon habang tumaas naman ang kon-sumo.
Dagdag pa ni Serafica, nakaapekto rin ng sa pagtaas ng presyo ng asukal ang naranasang masamang panahon sa Metro Manila at sa desisyon ng maraming magsasaka sa Bukidnon na nagtanim na lang ng saging at pinya na dating tubo ang kanilang itinatanim.
Bukod pa rito, may ilan ding bakery owners ang nagbabadyang magtaas ng presyo sa kanilang mga produkto dahil gumagamit din sila ng asukal. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.