NANANATILING mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila.
Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa P380 na ang kada kilo ng karne ng baka, P400 sa kada kilo ng baboy, habang P180 naman ang kada kilo ng manok sa maraming pamilihan sa Metro Manila tulad sa Mega Qmart sa Edsa, Guadalupe Market sa Makati City, San Andres Market sa Maynila, Kamuning Public Market at Commonwealth Market sa Quezon City.
Bukod dito, nananatili ring mataas ang presyo ng mga gulay sa naturang mga pamilihan kung saan pumapalo na sa P120 hanggang P180 ang kada kilo ng talong, P90 hanggang P120 sa kada kilo ng kalabasa, P80 sa kada kilo ng sitaw, at P140 hanggang P180 sa kada kilo ng pechay.
Ang bawang at sibuyas naman ay nasa P100 ang kada kilo; luya, P140 hanggang P160 ang kada kilo; at siling labuyo,P800 hanggang P900 kada kilo.
Ipinaliwanag ng DA na ang kakulangan sa suplay ng pagkain ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ilang pamilihan.
Patuloy na naaapektuhan ng malamig na panahon ang suplay ng gulay sa mga probinsya habang ang ilan ay hindi pa nakaka-bangon sa pinsala ng mga nagdaang bagyo. DWIZ 882
Comments are closed.