PRESYO NG BABOY TUMAAS DAHIL SA ASF

Karneng baboy

CAGAYAN-NABABAHALA  ang tanggapan ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region 2 dahil sa umano’y nagkukulang na ang suplay ng karne ng baboy at patuloy din ang pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay NMIS Region 2 Director Ronnie Ernts Dugue, posibleng may kaugnayan ito sa mahigpit na kautusan at panuntunang ipinatutupad sa bawat probinsiya tulad ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino dahil na rin sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Sa kabila nito, ipinag-utos pa rin ang todo bantay sa pagpasok ang live hogs at pork products sa nasabing mga lugar mula sa ibang mga munisipalidad at rehiyon.

Ani Dugue, tanging ang mga baboy lamang mula sa kanilang mga munisipalidad na kinakatay sa mga slaughter house ang ibinebenta sa mga pamilihan kaya’t nagkukulang ngayon ang supply na kung saan ang presyo ng karne ng baboy ay umaabot na sa P220-240 ang bawat kilo na inaasahang tataas pa kung

Dahil dito, kailangang matiyak na nasuring mabuti at may mga kaukulang dokumento mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) kasama ang inspection shipping permit katulad ng ginagawa ngayon sa Cauayan City.

Gayundin, kasabay ng pagdiriwang ng National Meat Consciousness Week ay nanawagan si Dugue sa publiko na maging mapanuri sa mga binibiling karne upang matiyak na ligtas itong kainin. IRENE GONZALES

Comments are closed.