TUMAAS ang presyo ng stored value Beep cards na ginagamit sa Metro Manila train systems sa pagpasok ng 2020, pa-hayag ng Light Rail Transit Authority kamakailan.
Umakyat ang presyo ng reloadable cards sa P30 mula sa P20 noong Bagong Taon, ayon sa pagpapatupad ng concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation at AF Payments Inc, lahad ng LRTA, na siyang nagpapatakbo ng LRT 2.
Isang joint venture sa pagitan ng Metro Pacific and Ayala Corp’s infrastructure arm, ang AF Payments ang nagpapatakbo ng Beep system sa MRT 3 at LRT Lines 1 at 2.
Ang Beep cards ay unang ipinatupad noong 2015.
Comments are closed.