DAPAT na bumaba na ang presyo ng bigas sa darating na Mayo sa ilalim ng bagong liberalized regime, pero ang presyo ng asukal ay dapat maging matatag dahil sa sapat na supply, pahayag ng isang trade official kamakailan.
Ang presyo ng pangunahing pagkain ay dapat bumaba sa P32 bawat kilo mula sa P39 habang ang presyo ng asukal ay dapat manatili sa P50 hanggang P55 bawat kilo, sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castello.
Pinirmahan ni President Rodrigo Duterte noong Pebrero ang batas na naglalagay ng taripa sa lahat ng angkat na bigas kaysa sa quota, isang batas na naglalayon na maibaba ang inflation na nakalambong ng halos sampung taon noong 2018.
“Kapag bumaba ang presyo ng bigas, maaaring hindi na kailangan pa ang suggested retail price o SRP sa bigas,” ani Castello.
Naisapinal na ang implementing rules ng Rice Tariffication Law noong Abril 7. Sa ilalim ng naturang batas, ang pribadong trad-ers ay libre nang mag-import ng bigas basta makakukuha sila ng kinakailangang permits at magbayad ng tama.
Sinabi ni Castello na ang presyo ng asukal ay hindi dapat magtaas dahil sapat ang supply nito sa bansa.
May iba kasing mga negosyante ng asukal ang nagmamanipula ng presyo, sabi ni Sugar Regulatory Administration chief Hermenegildo Serafica.
Nakita sa datos mula sa SRA na ang bansa ay nagkaroon ng 1,152,422 metriko tonelada ng asukal hanggang Marso 31 kumpa-ra sa 800,587 metriko tonelada noong Abril nang nagdaang taon.
Ipinakita ng report ng SRA na ang kasalukuyang presyo ng asukal ay P45 bawat kilo hanggang nitong Martes.
Comments are closed.